Kaugnay ito sa plano ng MARINA na hikayatin ang maritime institutions at training centers na magkaroon ng blended learning program para sa mga seaman bilang tugon sa kanilang hinaing na kinakain ng mga training ang kanilang oras para sa pamilya sa tuwing bababa sila ng barko.
“Ang pagbawas sa training fees ay kabilang sa mandato ng MARINA at malaking tulong ito para sa ating mga seaman na gumagastos ng malaking halaga sa kanilang face-to-face training dito sa Pilipinas,” Ayon kay Rep. Sandro Gonzalez.
Siniguro naman ni Director Batalla na nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa mga tanggapan at kasama ang paksa na ito sa prayoridad ng MARINA. Dagdag pa niya ay makakatulong din ang e-learning sa mga training centers upang mabawasan ang kanilang gastos pagdating sa mga pasilidad.
Isa sa mga nakikitang benepisyo ng MARINO sa e-learning program para sa mga seaman ay ang pagkakataong makapag-aral kahit on-board sila sa loob at labas ng bansa o kahit nasa bahay lamang sila. Kabilang din ang Management Level Courses na magkakaroon ng distance learning program.
“Malaking tipid ito pagdating sa accommodation, transportation, at iba pang miscellaneous fees ng ating mga kabaro,” ani Rep. Gonzalez. “Ang iisipin na lamang nila ay ang practical test pagbaba nila ng barko. Makakatulong din ito sa ating mga kasamahan na nakatira malayo sa training centers.” Dagdag pa niya.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga seaman na ipahayag ang kanilang mga katanungan sa MARINA ukol sa Maritime Industry Development Plan at Management Level Courses sa naturang diskusyon.###